Teachers sa Sarangani, sinugod ang ulan at putik upang maibigay ang modules ng kanilang mga estudyante
advertisement
Sa kanyang Facebook, ibinahagi ni teacher Michelle Buquiran-Miguel ang mga lawaran at video kasama ang tatlo pang guro habang basang basa sila sa ulan. Dahil sa lakas ng ulan at maputik na daan, makikita sa kanilang uniporme ang mga putik
Kwento niya, aabot sa apat hanggang limang kilometro bago nila marating ang maayos na kalsada sa main highway.
“Hanggang hindi na nakayanan ng motor, kasi napakadulas na ng daan, kaya naglakad nalang kami saka yong mga partner namin yong naiwan at nagtulungan para matulak yong motor hanggang maka abot sa lugar na wala putik,” sabi ni teacher Michelle.
Si teacher Michelle at ang ang tatlo pa niyang kasama sa in-upload na mga larawan ay kasalukuyang nagtuturo sa Taclobo Elemetary School sa Malungon, Sarangani Province
Isang hamon man para sa mga guro ang distance learning, nagpapasalamat pa rin si teacher Michelle sa Department of Education (DepEd) sa patuloy na paghubog sa kakayahan ng mga bata.

Aniya, dahil sa tulong ng DepEd Sarangani, nagawang makapagbigay ng solar radios para sa lahat ng mga bata o pamilya.
“With the help of our Municipal Mayor, district heads, principal and teachers, we were able to find solutions to provide quality education po. We are the first Municipality na may Tele-RBI po, napaka challenging po talaga, pero kakayanin para sa mga bata,” pagpapasalamat ng guro.
advertisement
Teachers sa Sarangani, sinugod ang ulan at putik upang maibigay ang modules ng kanilang mga estudyante
Reviewed by Dyaryo
on
August 22, 2022
Rating:
Post a Comment