Taong nasa likod ng pagbibigay ng buhay kay "Arn-Arn" Pumanaw na
advertisement
Ipinagluluksa ng broadcast journalist na si Arnold Clavio ang pagpanaw ni Danilo "Totong" Federez, ang puppeteer at boses ng kanyang alter ego na si Arn-Arn.
Pumanaw si Totong sa edad na 62 nitong Miyerkules, August 17, 2022. Ipinagluluksa ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at kasamahan sa trabaho ang pagkawala ng professional puppeteer.
Nagkaroon ng stroke si Totong noong 2017 kaya hindi na rin napanood si Arn-Arn sa Unang Hirit.
Inalam ng Cabinet Files ang reaksiyon ni Arnold sa pagpanaw ni Totong dahil sa kanilang matagal na pagsasama.
Pahayag niya, “When I heard the sad news, parang may part of me na nawala .Si Totong ang kaluluwa ni Arn-arn. “For many years, saksi ako kung paano inalagaan at iningatan ni Totong si Arn-Arn bilang tunay na anak. “Galit siya pag nakita na pinaglalaruan mo ang puppet. He treated Arn-Arn na isang kadugo."
“He convinced me na handa na siya at kaya na niyang bumalik sa Unang Hirit. Sabi ko, 'Oras na bigyan ka ng clearance ng doktor mo agad-agad babalik ka.'
"Pero that time, nakita ko na ang lungkot sa mata niya at naramdaman ko ang sakit sa dibdib niya. “Nagpaalam ako sa kanya na may pilit na ngiti dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
"Si Totong ay parang ‘Kuya’ ko na di ako nagkaroon, ang aking tagapagtanggol." Nang itanong ng Cabinet Files ang magiging kinabukasan ni Arn-Arn dahil sa pagkamatay ni Totong, malungkot na sinabi ni Arnold, “Para kay Arn-Arn, siya ay bahagi na lang ng alaala na minsan ay nagpasaya sa atin tuwing umaga. Paalam."
Pahiwatig itong hindi na mapapanood sa telebisyon si Arn-Arn, ang Filipino puppet na gumawa ng kasaysayan dahil sa panayam niya kay former President Gloria Macapagal-Arroyo noong 2015.
advertisement
Taong nasa likod ng pagbibigay ng buhay kay "Arn-Arn" Pumanaw na
Reviewed by Dyaryo
on
August 17, 2022
Rating:
Post a Comment