Manay Solis: Pag nauna ako sa favorite dog ko, isama siya sa akin sa cremation ko

advertisement

Host at talent manager na si Manay Lolit Solis na abala araw-araw at walang iniisip na karamdaman. Ngunit simula nga nang ma-confine siya sa hospital at sumasailalim ngayon sa dialysis ay kung anu-ano na ang iniisip niya at aminadong tinatamaan na rin ng depression.


Base sa isang post niya sa kanyang Instagram account ay inamin niya ang kanyang pinagdaraanan. Aniya, “Alam mo ba Salve na hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na may sakit ako. Nagpi-pretend nga ako na parang wala lang, pero kung minsan nadi-depress ako.


“Hindi ko na magawa ang usual na ginagawa ko, naiba narin ang sked ko dahil sa dialysis. Isang araw dialysis, isang araw pahinga, twice a week na dialysis, plus dalawang araw pahinga, 4 days na agad nawala sa akin. Iba na talaga takbo ng buhay ko, iba na,” pahayag ni Manay Lolit.


Dagdag pa niya, “Minsan tanggap ko, minsan parang naiinis ako, minsan nasa sad ako. Iyon bang sana noon mas bata ako nagkasakit, sana noon mas matibay pa katawan ko. Hindi ngayon na old na ako kaya parang madali ng manghina.


“I feel sad sometimes, pero tanggap ko rin na wala na akong magagawa, so ok na lang. Que sera sera na lang ang puwede kong maging reaction, ito ang binigay sa akin, so, tanggapin ko na lang,” mensahe pa ng talent manager.

Ang hinihiling daw niya ngayon ay, “Sana nga huwag na ako ma-depress, mag enjoy na lang ako sa mga pangyayari, dahil talagang ganuon ang buhay.”

At nabanggit pa niya na kapag nauna na raw siya ay isama ang paborito nitong alagang aso named Jokjok.

“Sinabi ko na pag nauna ako kay Jokjok ang favorite dog ko, pa-sleep na siya at isama sa akin sa cremation ko.

“Dahil old dog na siya, sana mauna na lang ako at magsama na kami ni Jokjok. Hay naku, mga drama ko talaga, Salve at Gorgy, kaloka di ba!” sabi pa ni Manay.

Samantala, inamin din ni Manay Lolit na ang pinaka-diversion niya ngayon ay ang magbasa sa IG at mag-kolum sa sinusulatan niyang pahayagan.
advertisement
Manay Solis: Pag nauna ako sa favorite dog ko, isama siya sa akin sa cremation ko Manay Solis: Pag nauna ako sa favorite dog ko, isama siya sa akin sa cremation ko Reviewed by Dyaryo on August 16, 2022 Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din