WATCH: NCRPO Oscar Albayalde, naaktuhan ang mga pulis na natutulog habang naka-duty

advertisement
Huli sa akto na natutulog habang naka-duty ang hepe at mga tauhan ng Pasay police station sa isinagawang surprise inspection na pinangunahan ni NCRPO Police chief Director Oscar Albayalde, nitong Miyerkules.

Sa video, makikitang himbing sa pagtulog ang mga kapulisan habang ginigising ni Albayalde, maging ang Commander na si Senior Insp. Ferdinand Duren ay hindi agad nagising nang isagawa ang inspeksyon.

Matapos masermonan ay agad na sinibak ni Albayalde ang hepe at mga tauhan ng nasabing istasyon ngayong araw lamang.

Ang PCP 8 ay tinuturing na pinaka-inirereklamong estasyon ng pulis sa buong Kamaynilaan, ayon kay Albayalde.

Maliban sa mga presinto, pinuntahan din ng inspection team ang mga checkpoint at patrol operations ng iba't ibang police stations.

Pahayag ni Albayalde, kailangang siguruhing alerto ang mga kapulisan lalo na sa gabi at madaling-araw kung kailan karaniwang nangyayari ang mga krimen.

Panoorin ang video sa baba:



Source: News5
advertisement
WATCH: NCRPO Oscar Albayalde, naaktuhan ang mga pulis na natutulog habang naka-duty WATCH: NCRPO Oscar Albayalde, naaktuhan ang mga pulis na natutulog habang naka-duty Reviewed by Apple Mae Ta-as on February 06, 2018 Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din