Loading...
Panibagong insidente ng bukas maleta sa Ninoy Aquino Int'l Airport, inirereklamo ng isang OFW! - Pinoy Scooper

Panibagong insidente ng bukas maleta sa Ninoy Aquino Int'l Airport, inirereklamo ng isang OFW!

advertisement
Isa na namang panibagong insidente ng bukas-maleta modus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang inirereklamo ngayong ng isang OFW na kararating lang nitong Pebrero 6.

Kwento ni Bee Nie Sumayang, dumating siya ng Pilipinas at hinintay niya ang kanyang bagahe sa Airport hanggang sa nag-uwian nalang ang kanyang mga kasamahan, kaya naman inabisuhan nalang siya ng Staff ng NAIA na ipapadala ang gamit nito sa kanyang address kapag dumating na.

Makalipas ang 5 araw, dumating na ang bagahe ni Sumayang pero wala na raw ang padlock nito at naka-plastic nalang pati ang mga gamit sa loob ay parang dinaan ng bagyo.

Kaya naman pinaalalahanan niya ang mga kapwa OFW na siguraduhing nakakadena ang kanilang mga maleta at baka pag-interesan na naman ng mga kawatan sa nasabing paliparan.

Narito ang kanyang buong pahayag:

sa lahat pla na OFW Dyan pag uwi nio galing abroad.. kadina nio yung maleta o mga luggage nio... kasi kahit nka kandado parin yan sisiw yan sa mga #KAWATAN sa airport ng #ninoyaquinointernationalairport .. kahit balutin nio pa ng plastic pagdating sa inyu wala ng plastic.. tpos ang laman ng bagahi nio parang dinaanan ng bagyong ondoy!.. tpos ang padlock nio sa bag nio naka tali na.. hindi na sia nka kandado... ai... wala na poh akong masabi ang galing nio.. feb6 poh ako dumating sa pinas tpos sa airport hinintay ko luggage ko lahat ng kasamahan ko umuwi na ako nlang naiwan kinausap ako ng staff sa naia na kung pwede kunin nila adress ko kc pag dumating padeliver dw nila .. 5days ko poh hinintay saka dumating sa bahay ..yun nlang poh nkita ko d na nkabalot ng plastic yung lock tali nlang d na nka lock.. lahat ng tanong ko poh d masagot ng tga deliver kc sabi nia taga deliver lg poh sia wla siyang alam dyan.. kaya dna poh ako nka pag reklamo kc nasa bahay na.. pati ang tawo nga nag deliver sang bag ko nangayu pa pliti pa balik.. wala gid huya..... ai stress na nga sa mga amo niyo sa abroad dagdagan pa ng mga #KAWATAN sa airport.. yan poh pag bukas ko ng bag ko makalat na mga gamit ko.. . dati nababasa ko lg sa fb ang mga nangyayari sa airport na binubuksan mga bag.. d ko akalain mangyari dn pala yan sa akin.. kaya mag ingat poh kayu na mga OFW na na iwan dyan.. 5days nka dating bag ko sa akin tpos ito pa nangyari.. wala talaga pili mga bwesit.... pls share para aware poh mga kababayan natin sa ibang bansa..
#nakaw pa more...




Source: Facebook
advertisement
Panibagong insidente ng bukas maleta sa Ninoy Aquino Int'l Airport, inirereklamo ng isang OFW! Panibagong insidente ng bukas maleta sa Ninoy Aquino Int'l Airport, inirereklamo ng isang OFW! Reviewed by Apple Mae Ta-as on February 12, 2018 Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din