Loading...
WATCH: Pasahero na nambugbog ng Grab driver, nagpakita na at humihingi ng patawad - Pinoy Scooper

WATCH: Pasahero na nambugbog ng Grab driver, nagpakita na at humihingi ng patawad

advertisement
Lumutang na sa publiko ang itinuturong pasahero na nambugbog sa isang Grab Driver na nagsauli ng kanyang cellphone matapos ang ilang araw na pagtatago.

Sa ulat, aminado si John Jinnon Simon na nakakaramdam siya ng takot dahil sa natatanggap nitong mga banta matapos kumalat sa social media ang ginawa niyang pambubugbog.

Depensa ni Simon, pinapalabas raw ni Yabut na malinis ang intensyon niyang isauli ang kanyang cellphone. Nagduda raw kasi siya dahil ilang beses niyang tinatawagan ang kanyang telepono pero pinapatay ito.

Aniya, pinagsisihan naman daw niya ang ginawa niyang pananakit kay Yabut at humihingi siya ng paumanhin.

Ganunpaman, hindi pa rin matatanggap ni Yabut ang paghingi nito ng tawad at itutuloy pa rin daw niya ang kaso hanggang sa makita niya itong nakakulong.

Panoorin ang buong ulat sa baba:


Narito naman ang komento ng mga netizens:





Source: TV Patrol
advertisement
WATCH: Pasahero na nambugbog ng Grab driver, nagpakita na at humihingi ng patawad WATCH: Pasahero na nambugbog ng Grab driver, nagpakita na at humihingi ng patawad Reviewed by Apple Mae Ta-as on February 13, 2018 Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din