Loading...
Grab driver na nagsauli ng cellphone na naiwan, binugbog ng may-ari imbes na pasalamatan - Pinoy Scooper

Grab driver na nagsauli ng cellphone na naiwan, binugbog ng may-ari imbes na pasalamatan

advertisement
Hustisya ang sigaw ngayon ng isang Grab car driver matapos siyang bugbugin ng kanyang pasahero na nakaiwan ng cellphone sa kanyang sasakyan, sa halip na pasalamatan.

Kwento ni Armando Yabut, may sumakay sa kanya noong February 9 papuntang Kamuning, at nang makauwi na siya ay dun niya lang namalayan na naiwan ng pasahero ang kanyang cellphone. Kaya naman agad siyang nakipagtulungan sa Grab at nahanap agad ang may-ari.

Kalaunan, tumawag sa kanya ang may-ari at nakiusap na ihatid sa kanya yung cellphone dahil emergency raw at babayaran nalang siya bilang kapalit.

Nagmagandang loob naman ang driver na ihatid agad yung cellphone kahit walang kapalit, pero nung hinatid na raw niya sa may-ari yung cellphone ay sinabihan siyang magnanakaw saka binugbog ng walang kalaban-laban at pilit pinaaamin sa kasalanang hindi naman niya ginawa.

Narito ang buong kwento:


I nid justice po...may nasakay po ako na passenger 12:21 am ng feb 9 papuntang kamuning may naiwan po sila na cp i phone nung nakauwi po ako saka ko po nakita yong cp sa likod po agad po ako naki pag coordinate sa grab tas nahanap po nila ang may ari...tumawag po skin may ari at mabait po sila nakiusap na ihatid ko yong phone pero sabi ko po na nakauwi na po akl pero sabi po nila emergency tas bayaran po ako pero sabi ko nmn po ok lang wag na basta mahatid ko sa sobrang bait ko po hinatid ko wala pa po isang oras nakarating na po ako kamuning pero po pag dating ko po skanila imbes na pinasalamatan po ako bigla po ako sinabihan na mag nanakaw at nag ka intirest sa phone nya at binugbog po ako pag dating po sa brgy pilit po ako pina amin ng kasalanan na hinde ko nmn po ginawa...msama sobra loob kk sana po bigyan nyo po ako ng hustisya sa gumawa po skin ang name po ng gumawa si jinno jhon p simon...


Source: Facebook
advertisement
Grab driver na nagsauli ng cellphone na naiwan, binugbog ng may-ari imbes na pasalamatan Grab driver na nagsauli ng cellphone na naiwan, binugbog ng may-ari imbes na pasalamatan Reviewed by Apple Mae Ta-as on February 11, 2018 Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din