Loading...
Free Irrigation Law, Nilagdaan na ni Pangulong Duterte - Pinoy Scooper

Free Irrigation Law, Nilagdaan na ni Pangulong Duterte

advertisement
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 10969 o ang Free Irrigation Service Act. Ang paglagda ay ginawa noong February 2, Biyernes.

Sa nasabing batas, ang mga magsasaka na may pag-aaring lupain na walong ektarya o mas maliit pa ang makikinabang sa libreng irigasyon.




Sa pahayag, sinabi ni Villar noong Pebrero 2,

“Now that free irrigation service has been institutionalized and made permanent, our farmers can now be assured that they are not going to pay for irrigation services, saving on their cost of production,” ani Villar.

Samantala, ang mga magsasaka na may lupaing higit sa walong ektarya ang laki ay patuloy na pagbabayarin ng ISF maging ang corporate farm, fishpond at mga plantation na nangangailangan ng patubig.



Inuutusan din ng batas ang NIA na tanggalin na sa records ang lahat ng natirang utang, ineteres o multa ng mga maliliit na magsasaka.

Patuloy ang NIA sa pagpapatakbo at pagpapanatili ng mga National Irrigation Systems at pwedeng ipasa sa mga irrigators associations ang pagpapanatili sa mga secondary at tertiary canals, basta’t maglalaan ng pondo ang NIA. Dahil hindi na pwedeng singilin ang maliliit na magsasaka ng bayad para sa patubig, sasaluhin ng NIA ang gastos para rito.

Sinabi pa ng Nacionalista Party senator na noon pang 2017, tumatanggap na ang mga magsasaka ng libreng irigasyon dahil sa P2 bilyong pondo sa 2017 General Appropriations Act (GAA) at P2.6 bilyon pondo sa 2018 GAA.

Source: News5
advertisement
Free Irrigation Law, Nilagdaan na ni Pangulong Duterte Free Irrigation Law, Nilagdaan na ni Pangulong Duterte Reviewed by Online tricks on February 09, 2018 Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din