Loading...
3000 katao, nagrally sa QC bilang suporta sa Pederalismo - Pinoy Scooper

3000 katao, nagrally sa QC bilang suporta sa Pederalismo

advertisement
Sa pangunguna ng dating punong mahistrado Renato Puno, Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, at IConform-Federal Philippines lead convenor Raul Lambino, nagtipon tipon ang halos 3,000 katao sa Quezon City Memorial Circle nitong Sabado bilang suporta sa pagsulong ng pederalismo sa ating bansa.

Ang isinagawang rally o pagtitipon ay naglalayong ipaliwanag ang pederalismo sa publiko.

Ito ay tinatawag na "Fed-ibig ng Bayan sa Pagbabago" ayon kay Lambino.

Kumpyansa din si Puno sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na maisusulong ang pederalismo sa bansa.

Matatandaang isa sa pangako ng ating Pangulo ang pagpapalit ng uri ng pamahalaan ng Pilipinas sa pederal na sistema.

Kasalukuyan ang pagdinig ng mga mambabatas sa Senado at Kamara sa charter change upang mabigyang daan ang transisyon sa pederalismong pamahalaan.

Sa oras na maging Federal na ang sistema ng gobyerno, mabibigyang importansya na ang iba pang mga probinsya sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Maisasakatuparan na rin umano ang mga pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taumbayan.


Source: ABS-CBN
advertisement
3000 katao, nagrally sa QC bilang suporta sa Pederalismo 3000 katao, nagrally sa QC bilang suporta sa Pederalismo Reviewed by Online tricks on February 17, 2018 Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din