WATCH: Empleyado ng MIASCOR, mangiyak-ngiyak na nagmamakaawa kay Pangulong Duterte

advertisement
"Nakikiusap po ako sa inyo, na bigyan nyo kami ng pagkakataon. Hindi po lahat ng Miascor ay gumagawa ng katiwalian, mayroon pong matitinong empleyado na ang tanging ginagawa po ay magtrabaho ng maayos."

Ito ang mangiyak-ngiyak na panawagan ng isang empleyado ng Miascor na si Irma Catapang, na 13 taon nang nagtatrabaho sa utility sa airport lounge ng Ninoy Aquino International Airport.

Magugunitaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes ang pagputol ng kontrata ng ground handling service provider matapos mawalan ng P82,000 halaga ng mga kagamitan ang isang Overseas Filipino Worker kamakailan.

"Kung sino yung service provider diyan, you terminate the contract and look for another one," sabi ng Pangulo.

Dahil sa direktibang binitawan ng Pangulo, ay tuluyan na ngang kinansela ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Clark International Airport ang kontrata ng Miascor.

Gayunpaman, umaasa pa rin ang Miascor na muli mapagbigyan ng Pangulo ang kanilang apela dahil 4,000 raw na empleyado ang mawawalan ng trabaho at siguradong apektado pati ang mga pamilya nito.

Panoorin ang ulat sa baba:


Kung kayo ang tatanungin, Dapat nga bang bigyan pa ng isang pagkakataon ang Miascor o tuluyan ng ipasara ito?

Source: ABS-CBN News
advertisement
WATCH: Empleyado ng MIASCOR, mangiyak-ngiyak na nagmamakaawa kay Pangulong Duterte WATCH: Empleyado ng MIASCOR, mangiyak-ngiyak na nagmamakaawa kay Pangulong Duterte Reviewed by Apple Mae Ta-as on January 23, 2018 Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din