WATCH: Tatay, Nananakit sa Anak at Mainit ang Ulo Kapag Hindi Nakapagpapadala ng Pera ang Asawang OFW

advertisement
Alam nating lahat ang hirap ng mga nag iibang bansa at malayo sa pamilya para lamang kumita ng pera. Ngunit wala ng mas hihirap o mas sasakit pa kapag napag alaman ng isang ina na ang kanyang anak na ipinagkatiwala sa kanilang ama na mismong kadugo ay sya pang mananakit sa kanila. Nagkaroon ng lakas ng loob ang magkapatid kasama ang kanilang tiyahin upang ireklamo ang kanilang sariling tatay sa programa ni Tulfo.

Emosyonal na isinalaysay ng batang biktima ang ginagawa sa kanila ng kanilang ama. “Napakasinungaling mo binubugbog mo kaya kami, pinagsasabihan mo kami ng bobo tanga, lagi mo kaming inaaway kapag hindi nagpapadala si mommy ng pera tapos mainit po ulo nya lagi po nyang pinapasa yung galit nya samin pinalo na din po nya ko ng walis tambo dito sa ulo tapos naputol.” paglalahad ng panganay na anak.

Nagusap din sa telepono ang magasawa sa programa ni Tulfo. Itinanggi ng ama ang mga paratang ng anak dahil mahal naman daw niya ang kanyang anak at ito ay natural na napapalo bilang pagdidisiplina lamang. Hinihiling ng ina ng mga bata na ibinigay na sa kanya ang anak dahil mahirap para sa kanya ang kalagayan ng mga anak lalo at wala syang magawa dahil malayo siya. Napagalaman din na sa edad na 5 taon sinasaktan na sila ng kanilang ama at ito ay nasaksihan ng kanilang ina pagkauwi galing sa trabaho ng minsang datnan sila sa bahay ng may pasa at namamaga ang kamay ng mga bata habang nagsusugal ang kanyang asawa.

Ang panganay na anak ang mas maraming karanasan sa pananakit ng kanyang ama at minsan ng ginustong magpakamatay kesa patuloy na saktan ng kanilang ama. Pumayag ang ama ng mga bata na ibigay ang kanyang mga anak at gusto lamang nyang matiyak na walang mangyayari sa mga bata at itoy kanilang pananagutan kung ano man ang mangyari sa mga ito.

Panoorin ang video:



Source: Youtube
advertisement
WATCH: Tatay, Nananakit sa Anak at Mainit ang Ulo Kapag Hindi Nakapagpapadala ng Pera ang Asawang OFW WATCH: Tatay, Nananakit sa Anak at Mainit ang Ulo Kapag Hindi Nakapagpapadala ng Pera ang Asawang OFW Reviewed by Online tricks on December 07, 2017 Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din