Loading...
WATCH: OFW na ilang beses nang pinagtangkaang halayain ng kanyang amo, nagpasaklolo - Pinoy Scooper

WATCH: OFW na ilang beses nang pinagtangkaang halayain ng kanyang amo, nagpasaklolo

advertisement
Nagpapasaklolo ngayon si Lilibeth Rodriguez, isang Overseas Filipino Worker na nakabase sa Saudi Arabia, Riyadh dahil ilang beses na raw siyang pinagtangkaang halayin ng kanyang sariling amo.

Sa Facebook account, nag-iwan siya ng mensahe na humihingi ng tulong kalakip ang kuhang video na nirecord niya palihim bilang patunay na pinagmamalupitan siya ng kanyang amo.

“Di ko po alam kung san pa ko huhugot ng lakas para mai-save ko sarili ko, ‘yan po kapatid ni madam ilang beses na ako pinag-tangkaan. Sa makaka-panuod po, kayo na po bahala. Di` ko maipasa sa messenger para ma e-save baka kunin na cp ko tomorrow. Isa nato ebedensya na dapat makuha na ako dito,”panawagan ni Lilibeth.

Makikita sa video na pwinepwersa ng dayuhan si Lilibeth para makipagtal*k pero nagpupumiglas siya at hindi nagpadala sa tukso. Kaya ang ginawa niya ay kumuha siya ng kutsilyo at baso bilang depensa at para hindi na makalapit pa ang amo.

Sa ngayon, hindi pa matukoy kung ano na ang kalagayan ng ating kababayan dahil kahit sa kanyang facebook account ay hindi na siya sumasagot, pati ang video na kanyang inupload ay burado na rin.

Panoorin sa baba ang kuhang video ni Lilibeth na nireupload ng isang concerned citizen.


 

Source: Facebook
advertisement
WATCH: OFW na ilang beses nang pinagtangkaang halayain ng kanyang amo, nagpasaklolo WATCH: OFW na ilang beses nang pinagtangkaang halayain ng kanyang amo, nagpasaklolo Reviewed by Apple Mae Ta-as on December 05, 2017 Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din