WATCH: Lalaki, nagpasaklolo kay Raffy Tulfo dahil pinagkalat ang kanyang video na nagma-mast*rbate

advertisement
Isang lalaki na may alyas "Nelson", isang Safety Officer at na-assigned sa may CCTV area ng Century Limitless Corporation ang nagpasaklolo kay Raffy Tulfo dahil pinagkakalat umano ng kanyang mga kasamahan ang kanyang video na nagma-masturbate siya sa trabaho.

Ani Nelson hindi niya alam na may CCTV sa kanyang trina-trabahuang lugar. Hindi rin daw siya sinabihan ng HR na may scandal siya bago pa man ito ipakalat ng kanyang co-worker.

Nang tanungin ni Raffy kung araw-araw ba niyang ginagawa ito at sa working area pa, paliwanag ni Nelson na kaya niya ginagawa ang paglalaro ng kanyang ari 'every other day' dahil nababagot siya minsan sa kanyang trabaho at ang tanging pakiusap lamang niya ay itigil na raw ang pagpapakalat ng kanyang video.

Payo naman ni Raffy sa kanya na mas maiigi na  magresign na lamang siya sa kanya trinatrabahuan para makaiwas sa kahihiyan at gulo.

"Pero kung ako sayo, magresign nalang ako diyan. Papasok ka nakayuko ka, pagtatawanan ka..Baka mamaya makasuntok ka pa at makapanakit ka pa ng tao.. At next time kapag napunta ka pa sa ibang trabaho itigil mo na yan," payo ni Tulfo.

Samantala, dumepensa naman ang HR Admin ng kompanya na wala naman daw kumakalat na video at hindi nila prayoridad ang kanyang kaso pero iimbestigahan nila ito.

Banta naman ni Raffy na kapag kumalat sa social media ang video ni Nelson ay maaring makaladkad ang kompanya at may makakasuhan.

Panoorin ang panayam sa baba:


Source: Raffy Tulfo In Action
advertisement
WATCH: Lalaki, nagpasaklolo kay Raffy Tulfo dahil pinagkalat ang kanyang video na nagma-mast*rbate WATCH: Lalaki, nagpasaklolo kay Raffy Tulfo dahil pinagkalat ang kanyang video na nagma-mast*rbate Reviewed by Apple Mae Ta-as on December 04, 2017 Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din