WATCH: Dalagitang naglalakad ng 3 oras para makapag-aral, ginahasa at pinatay

advertisement
Hustisya ang sigaw ngayon ng pamilya ng 15-anyos na dalagita na natagpuang nakahandusay at wala ng buhay sa mga taniman ng saging sa Tigaon, Camarines Sur nitong Biyernes.

Ayon sa nakasaksi, Miyerkules raw nang huling nakita ang biktima na kasama ang kanyang kuya habang pauwi sila mula sa kanilang eskwelahan.

Pero ayon kay P02 Maricel Andayon ng Tigaon, "Magkasama sila tuwing umuuwi kaya lang nu'ng time na 'yun, nauna talagang umuwi 'yung isa kaya malayo 'yung distansiya so nagkaroon ng oportunidad 'yung suspek na gumawa ng krimen."

Sa resulta ng autopsy sa bangkay, malinaw na ginahasa nga at sinakal pa ang biktima. Sa ngayon, inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek.

Labis namang ikinalungkot ng mga guro at ng mga kaklase ng biktima ang nangyari lalo't sasayaw pa naman sana ang dalaga sa kanilang Foundation Day. Kwento ng kanyang guro halos 3 oras ang nilalakad ng dalagita para lang makapag-aral at hindi maka absent sa klase.

"Yung chair nya is bakante na lalo na't yung bata ay hindi umaabsent so nasasanay sila na nandun lagi." ani ng guro.

Kumilos na rin ang principal ng eskwelahan at ang mga barangay officials at sila ay nag-alok ng libreng sakay upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari at masigurado ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa kanilang pag uwi.



Source: ABS-CBN
advertisement
WATCH: Dalagitang naglalakad ng 3 oras para makapag-aral, ginahasa at pinatay WATCH: Dalagitang naglalakad ng 3 oras para makapag-aral, ginahasa at pinatay Reviewed by Online tricks on December 08, 2017 Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din