Loading...
Suspendido ang Mayor at Vice-mayor sa Pangasinan, matapos ibalandra ang kanilang mukha sa mga ambulansya - Pinoy Scooper

Suspendido ang Mayor at Vice-mayor sa Pangasinan, matapos ibalandra ang kanilang mukha sa mga ambulansya

advertisement
Pinarusahan sina Mayor Heidee Chua at Vice Mayor Carlos Lopez Jr sa paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Official and Employees sa nilagdaang desisyon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales. Ito ay matapos nilang ibalandra ang kanilang mga pangalan at larawan sa ambulansyang pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan.

Ang alkalde at bise alkalde ng Asingan, Pangasinan ay nahaharap ngayon higit isang taong suspensyon. Ang suspensyon na ito ay buhat sa reklamo ni Asingan Councilor Evangelin Dorao noon pang Nobyembre 2016 kung saan isinalaysay ng konsehala ang kanilang paglabag sa memorandum circular ng Department of Interior and Local Government Unit (DILG) na nagbabawal ng pagbabalandra ng pangalan at larawan ng sinomang opisyal ng gobyerno sa mga billboard, karatula ng programa at ari-arian ng pamahalaan.

Napagalaman din na minsan na niyang pinaalalahanan sina Chua at Lopez tungkol ditto at ito’y idinaan nya sa pamamagitan ng liham ngunit ipinagkibit balikat lamang ito ng dalawa.

Ngunit ito’y itinanggi ni Chua at Lopez at sinabi sa isang joint counter-affidavit na agad nila itong inaksyunan sa pamamagitan ng pag alis ng kanilang larawan sa ambulansya ng lokal na pamahalaan.

Ipinaliawanag din ng dalawa na hindi nila ginamit ang kaban ng bayan sa pag-iimprenta ng kanilang larawan at kanila itong mapapatunayan sa pamamagitan ng mga budget officer,accountant, at treasurer ng bayan.

Ipinaliwanag ng Ombudsman na hindi naman mapaparusahan ng grave misconduct ang dalawa dahil walang sapat na ebidensya na may korapsyong naganap sa pagimprenta at paglagay ng kanilang larawan ngunit may pananagutan ang dalawang suspendidong opisyal sa hindi nila pagsagot sa liham ni Dorao na isang paglabag sa nabanggit na Code of Conduct.

Source: Inquirer
advertisement
Suspendido ang Mayor at Vice-mayor sa Pangasinan, matapos ibalandra ang kanilang mukha sa mga ambulansya Suspendido ang Mayor at Vice-mayor sa Pangasinan, matapos ibalandra ang kanilang mukha sa mga ambulansya Reviewed by Online tricks on December 16, 2017 Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din