Loading...
Paolo Duterte: Suportado natin ang ginawa ng Pangulo na ideklarang terorista ang NPA. Tama lang. - Pinoy Scooper

Paolo Duterte: Suportado natin ang ginawa ng Pangulo na ideklarang terorista ang NPA. Tama lang.

advertisement
Sinang-ayunan ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang naging desisyon ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang NPA bilang mga terorista.

Sa kanyang facebook post, sinabi ni Paolo na dapat nga raw ay matagal nang dineklarang terorista ang grupo dahil sa matinding karahasan, pagpatay at pagpapahirap na ginawa nito sa mga mamamayang Pilipino noon pa man, lalo na sa mga mahihirap na magsasaka at lumad.



Basahin ang kang buong pahayag sa baba:

Suportado natin ang ginawa ni Pangulong Duterte na ideklarang terorista ang NPA.
Tama lang.


Dapat nga matagal nang dineklada na terorista ang NPA dahil sa mahabang record nito ng pandarahas, pagpatay, at pagpapahirap sa ating mga kababayan, lalo na ang mga mahihirap na magsasaka at lumad.


Kailan lang, isang bata ang namatay dahil sa ginawang ambush ng teroristang grupo na ito sa Bukidnon. Ang edad ng batang babae ay 4 years old lang.


Mamamatay tao ang NPA. At pinupuri ito, iniidolo ng mga grupong katulad ng Gabriela, Bayan Muna, Karapatan, KMU, at iba pang grupo na saklaw ng grupong Bagong Alyansang Makabayan o Bayan. Bakit? Kinondena ba nila ang NPA? Syempre hindi. Legal fronts kasi sila. Sila-sila. Kampihan.


Sa mga naniniwala na may prinsipyo ang NPA, totoo naman na meron. Pero isa itong baluktot na prinsipyo na para lang sa pansariling interest ng kanilang mga lider.


Halimbawa — anti-mining ba ang NPA? Hindi. Kinikikilan nga nila ang mga mining companies ng milyon-milyon. Kung ayaw magbigay — sinunusunog nila ang mga gamit ng mina. 


Saan napupunta ang pera? Sa mga lumad ba? Syempre hindi. Napupunta ito sa mga bulsa ng mga lider nila. Sila ang nagpapakasarap at nagpapakasasa.


Mabagal ang takbo ng development ng ating bansa dahil sa matagal na panahon ay hinayaan natin na takutin tayo ng NPA. Halos 50 years nang naghihirap ng bansa dahil sa kanila.


Kasi, tinuring silang baby noon. Mga spoiled brats.


Ano ang kaibahan ng NPA sa Maute o sa Abu Sayyaf? Wala. Pareho silang mga salot sa lipunan at hayok sa pera at dugo at gusto lang pahirapan ang bansa at ang mga Pinoy.


Tigilan na natin ang pagtawag sa NPA bilang rebeldeng grupo. Simulan na natin itong tawaging kung ano talaga sila — teroristang grupo.


Dahil terorista naman talaga ang NPA.


Source: Paolo Duterte
advertisement
Paolo Duterte: Suportado natin ang ginawa ng Pangulo na ideklarang terorista ang NPA. Tama lang. Paolo Duterte: Suportado natin ang ginawa ng Pangulo na ideklarang terorista ang NPA. Tama lang. Reviewed by Apple Mae Ta-as on December 05, 2017 Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din