Loading...
PHOTOS: Pangulong Duterte, dinalaw ang mga batang maysakit at namigay ng maagang pamasko - Pinoy Scooper

PHOTOS: Pangulong Duterte, dinalaw ang mga batang maysakit at namigay ng maagang pamasko

advertisement
Wala mang inilabas na official schedule ang Palasyo pero dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pasyente sa Mary Johnston Hospital sa Maynila kahapon, December 4, 2017.

Kung matatandaan ninyo, nagviral sa social media ang pagpunta ni Pangulong Duterte sa Greenbelt Mall kahapon kung saan bumili ito ng backpack para sa lalagyanan niya ng baril.

Ayon kay Sec. Bong Go, napadaan lang ang Pangulo sa nasabing mall at ang tunay na sadya niya talaga ay bisitahin ang mga pasyente sa isang ospital.

Sa tulong ng ating mga kababayan, napag-alaman na bumisita nga ang Pangulo sa Mary Johnston Hospital at pinasaya ang mga tao doon.







Batay sa kwento ng isang kaanak ng pasyente ay namahagi ang pangulo ng mga laruan sa mga batang pasyente at grocery items naman sa mga magulang.

Kumanta din aniya ang pangulo sa isang batang may malubhang sakit at nangako na sasagutin ang lahat ng mga gastusin sa ospital ng mga batang kanyang dinalaw.







Bukod sa Mary Johnston Hospital ay bumisita din ang pangulo sa Hospicio de San Jeso pero hindi na nagbigay ang Palasyo ng iba pang detalye.

Source: Facebook, RMN
advertisement
PHOTOS: Pangulong Duterte, dinalaw ang mga batang maysakit at namigay ng maagang pamasko PHOTOS: Pangulong Duterte, dinalaw ang mga batang maysakit at namigay ng maagang pamasko Reviewed by Apple Mae Ta-as on December 04, 2017 Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din