Loading...
Gabriela, sinisi si Pangulong Duterte sa pagkakapatay sa 15 miyembro ng NPA sa Batangas - Pinoy Scooper

Gabriela, sinisi si Pangulong Duterte sa pagkakapatay sa 15 miyembro ng NPA sa Batangas

advertisement

Sinisisi ngayon ng Gabriela Party-list si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging operasyon ng mga pulis sa Nasugbu, Batangas kung saan 15 na hinihinalang miyembro ng NPA ang namatay sa engkwentro kabilang na dito ang isang UP Student na si Josephine Lapira.

Nanawagan ang grupo sa Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang nangyaring insidente para mabigyan ng hustisya ang pamilyang naiwan ng mga napatay sa operasyon.

Giit ng grupo na kaya raw nangyari ang insidenteng ito ay dahil sa utos ng Pangulo na puntiryahin ang mga kalaban ng estado. Ito'y matapos niyang ideklara ang CPP-NPA bilang mga "terorista."

"We hold President Duterte directly accountable in all these. Through his public shoot-to-kill orders against perceived enemies of the state, he directly provided police, military and paramilitary operations blanket authority to use naked armed attacks against all persons deemed as part of groups opposed to his rule."


Inakusahan din ng grupo na ang kasalukuyang administrasyon ay pinahihintulatan ang AFP at PNP na gumawa ng terorismo at planong destabilisasyon para bigyang katwiran ang kanya umanong plano na magtatag ng isang pasistang diktadura.

"The president is "allowing the PNP and AFP free rein to create scenarios of 'terrorists' or 'destabilization' plots to help justify his wild claims and pronouncements. All these set the stage for Pres. Duterte’s purported plan to declare a fascist dictatorship."

Source: News5, PhilStar
advertisement
Gabriela, sinisi si Pangulong Duterte sa pagkakapatay sa 15 miyembro ng NPA sa Batangas Gabriela, sinisi si Pangulong Duterte sa pagkakapatay sa 15 miyembro ng NPA sa Batangas Reviewed by Apple Mae Ta-as on December 04, 2017 Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din