Kris Aquino: Utang niyo sa aking Ama ang kalayaan na tinatamasa ninyo ngayon

advertisement
Ang kalayaang tinatamasa ng mga Pilipino ngayon ay dahil sa sakripisyo ni dating Pangulong Benigno "Ninoy" Aquino Jr., ito ay ayon sa bunsong anak na si Kris Aquino.

Sa instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay may 'bayag' noong isakripisyo niya ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaturyang Marcos.

Kalakip ng komento ng aktres ang video ng nag-iisang panayam sa television sa kanyang ama noong panahon ng Martial law.

I rewatched my dad’s only televised interview during the Martial Law years, “granted” to him March of 1978. I realized that i did unwittingly inherit so many of his mannerisms: the way our eyebrows get raised so animatedly when we are trying to make a point, the way we talk a mile a minute, and to be honest interrupt our interviewers because halfway through their question we are ready with an answer, and in 2 short, rapid fire answers he got straight to the point & made his case. Mom used to always say- sa kadaldaldalan, sa charm, the encyclopedic memory, sa impulsiveness, that need for everything to happen today, and that rare ability to just be so self assured regardless of what obstacles lay ahead that NO didn’t exist- i was really my father’s daughter. i posted this because he was born exactly 85 years ago today. Benigno “Ninoy” S. Aquino, Jr. November 27, 1932-August 21,1983 (Try as you may, #fakenews folks- you cannot rewrite history. And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY- because he had the balls to actually DIE for his country- in super clear language, HINDI SYA INURUNGAN NG BAYAG KAHIT ALAM NYA NUNG PABABA SYA NG EROPLANO NA BABARILIN NA SYA SA TARMAC ng AIRPORT. Now u realize- nananahimik eh, ginulo nyo w/ your insulting wrong subject verb agreement post...) 🇵🇭
A post shared by 🇵🇭 Kris Aquino (@krisaquino) on

Inalala ni Kris ang pag-uwi ni Ninoy sa Pilipinas noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya.

Matatandaang binaril si Ninoy sa Tarmac ng Manila International Aiport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport.) na naging mitsa ng malawakang kilos-protesta laban sa administrasyong Marcos hanggang sa humantong ito sa unang EDSA People Power Revolution noong Pebrero 1986.

"The truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY – because he had the balls to actually DIE for his country – in super clear language, HINDI SIYA INURUNGAN NG BAYAG KAHIT ALAM NYA NUNG PABABA SYA NG EROPLANO NA BABARILIN NA SYA SA TARMAC ng AIRPORT. Now u realize – nananahimik eh, ginulo nyo w/ your insulting wrong subject verb agreement post…,"

Ginawa ng Kris ang komentong ito kasabay ng paggunita sa ika-85 na kaarawan ng kanyang ama, at dahil na rin sa hindi matanggap ng aktres ang kumakalat na "fake news" upang ire-write ang kasaysayan ng bansa.

Source: Kris Aquino
advertisement
Kris Aquino: Utang niyo sa aking Ama ang kalayaan na tinatamasa ninyo ngayon Kris Aquino: Utang niyo sa aking Ama ang kalayaan na tinatamasa ninyo ngayon Reviewed by Apple Mae Ta-as on November 28, 2017 Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din